say yeah! |
i'll be using this one for photo's :D |
Kaninang duty namin ng 7-3am sa ospital. Sobrang nakakapagod gawain namin. At alam mo ba kung anu mga toh? Nakakapagod sa duty ang umupo, mag-antay ng uwian, vital signs taking, tumayo pag napagod umupo, mamasyal sa ward. HAHA sobrang nakakapagod noh? kaya ng may magawa naman kami nagkwentuhan na lang kami. At ayun nga isa sa mga nakausap ko ay si Kuya Isip, mas nauna kasi siya sa amin ng ilang taon. Nakausap ko siya tungkol sa usapang puso.
Situation: Pangalanan natin si lalaki na Mr. Bolero at si babae ng Ms. Nars. Noon si Mr. Bolero at si Ms. Nars ay magnobyo at nobya. Marami na silang napagdaanan. Ngunit di pa sila nagkikita. Maraming sakripisyo si Ms. Nars para lang kay Mr. Bolero kahit alam na niyang katangahan na ginagawa ni Mr. Bolero dahil mahal ni Ms. Nars binibigyan niya ng pagkakataon para sa pag-asang magbabago pa si Mr. Bolero. At nagkita naman sila at naging okey naman sitwasyon. Kaso napuno na si Ms. Nars ng sobra na ginagawa ni Mr. Bolero kaya hiniwalayan niya ito. SObrang nasaktan si Ms. Nars at ilang buwan din siya nagmove-on. Tahimik na buhay ni Ms. Nars at dumating na sa buhay niya si Mr. Bait. Planado na lahat kulang na lang na maging sila at magkita, dahil si Mr. Bait at Ms. Nars ay di pa nagkikita. Para makasigurado si Ms. Nars kay Mr. Bait hinihintay na lang niya magkita sila. Habang palapit ng palapit ang pagkikita nila. Bigla sumulpot ulit si Mr. Bolero sa buhay ni Ms. Nars. Dahil may konti pang nararamdaman si Ms. Nars kay Mr. Bolero hindi niya alam gagawin niya dahil bumabalik ulit si Mr. Bolero sa buhay niya. Sinagot ni Ms. Nars ulit si Mr. Bolero hindi dahil gusto niya ipagpatuloy ang katangahan niya kundi ang gusto niyang malaman kung nagbago na nga ba siya, may halong paghihiganti rin si Ms. Nars dahil na rin sa pasakit na binigay ni Mr. Bolero.
Tanong: Alam naman ni Ms. Nars na hindi maganda kakalabasan ng ginagawa niya. Anu kelangan gawin niya? Itutuloy niya pa ba ang relasyong kunyari lang para sa kanya?
Sabi ni Kuya Isip “huwag mo gawin ang bagay na ayaw gawin sayo…”
Sabi ko naman “gusto ko lang naman ni Ms. Nars na maranasan ni Mr. Bolero ang mga pasakit na binigay niya noon sa kanya”
Sagot ni Kuya Isip “so sa tingin mo? ang paghihiganti na yan ay may maidudulot sayo? kung meron man? anu? at kung sige naranasan na ni Mr. Bolero yung sakit at nakuha na niya karma niya sa ginawa nya kay Ms. Nars. Eh anu naman kaya karma ni Ms. Nars sa ginawa niya? Maaring mawala at lokohin din siya ni Mr. Bait diba? Kaya kung maghihiganti lang si Ms. Nars kay Mr. Bolero huwag na niyang ituloy. Gusto rin ba niyang matawag na manloloko ? at magalit sa kanya mga taong niloko niya at maghahangad din ng paghihiganti sa kanya? Hindi na yan matatapos. Kung naloko ka yun na yun.”
Ako naman ay napaisip sa sinabi ni Kuya Isip. Oo maganda sinabi niya at tama siya hindi na matatapos lahat yun. Kaya kung anu man tumatakbo sa isip ko ngayon? Hays goodluck na lang sa karma ko. :(